MITOLOHIYA
ANO ANG MITOLOHIYA ?
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.
URI NG MITOLOHIYA.
Ang mga Diyos at Diyosa: Kanilang mga Gawain at Pakikipag-uganayan (The Gods: Their Activities and Relationships) Ang mitolihiyang ito ay pumapaksa sa mga diyos at diyosa at ang kanilang kamangha-mangahang kakayahan. Dito ay nakikipag-ugnayan ang mga diyos at diyosa sa tao. May mga pagkakataon pang sila ay nagkakaroon ng anak sa tao. Ang mitolohiyang Griyego at Romano ay nasa uring ito. Sa Pilipinas, may mga mitolohiya rin tayong tungkols sa ugnayan ng diyos at diyosa sa tao at isa sa mga halimbawa nito ay ang kuwento ni Lumawig na pinaniniwalang lumikha sa mga Igorot. Pinanggaling ng Daigdig at Uniberso (Cosmology and Cosmogony) Isinisalaysay sa mitolohiyang ito ang mga kuwento ukol sa pagbuo ng daigdig at ng mga bagay na makikita rito. Kabilang dito ang mga kuwento hinggil sa pagkakabuo ng lupa, langit, mga bituin, buwan, at araw. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: a. Hermopolis – Bumukal ang mitolohiyang ito na nagpapaliwanag sa paglikha ng daigdig sa Lungsod ng Hermopolis sa sinaunang Ehipto. Ayon dito, ang sinaunang katubigan ay nilikha ng walong diyos na ang tawag ay Ogdoad. b. Coatlicue o Teteoinan – Ito ay mitolohiya ng mga Aztec. Naniniwala silang si Teteoinan ang ina ng mga diyos at diyosa. Ayosn sa mitolohiyang ito, ipinanganak ni Teteoinan ang buwan at mga bituin. Siya rin ang ina ni Huitzilpochtli na diyos ng araw at digmaan. c. Viracocha – Ito ay mitolohiya ng mga Inca sa rehiyong andes ng Timog America. Ayon sa mitolohiyang ito, si Viracocha ang may lalang ng lahat ng bagay sa daigdig. Siya rin ang may likha ng buong uniberso – araw, mga bituin, at buwan. Siya ang dahilan kung bakit tumatakbo ang oras sa pamamagitan ng pag-utos sa araw na gumalaw. Katangiang Topograpikal ng Daigdig (Topographical Feautures of the Earth; water and land features) Isinasalaysay sa mitolohiyang ito ang mga paliwanag at dahilan kung paano nagkaroon ng kani-kaniyang katangiang topograpikal ang daigdig. Sa Pilipinas, isinalaysay kung paanong naging watak-watak ang mga pulo ng ating bansa. Pandaigdigang Kalamidad (World Calamities; The Great Flood) Sa mitolihiyang ito, isinasalaysa na ang mga diyos ay nagpapadala ng malaking baha upang parusahan ang mga taong nagkakasala sakaniya. Ilan sa mga halimbaw nito ay: a. Kuwento ni Noah – Ayon sa Bibliya nagbabala ang Diyos kay Noah na magkakaroon ng malaking baha at kailangan miyang gumawa ng arko upang isalba ang mga kaanak na naging matapat sa paglilingkod sa Diyos maging ang iba’t ibang uri ng hayop. b. Mitolohiyang Mayan – Naniniwala ang mga sinaunang Mayan na ginamit ng mga diyos ang baha upang anurin ang mga kahoy na nililok ng tao ng mga diyos at diyosa bilang pagtatangka na makalikha ng tao. c. Mitolohiyang Sumerian – Ayon sa kanilang mitolohiya, naging labis na maingay ang mga tao dahil sa samu’t sari nilang gawain. Dahil dito, nagpadadala ng malaking baha sa lupa ang diyos na si Enlil upang puksain ang mga tao. Ngunit bago pa man maisakatuparan ni Enlil ang kaniyang balak, naipaalam na ito ng diyos na si Enki kay Haring Ziusudra. Nakapagpagawa ang hari ng alaking bangka kaya nagawa niyang mailigtas ang kaniyang kaanak at mga hayop. Pagkakaroon ng Natural na Daloy (Establishment of the Natural Order) Ang mitolohiyang ito ay nagsalaysay kung paano nagkaroon ng maayos na daloy ng buhay ang mundo. Paglikha at Pagsasaayo ng Buhay (Creation and Ordering of Human Life) Karamihan sa mitolohiyang ito ay nagpapaliwanag kung paano nalikha ang tao sa daigdig. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: a. Kaang – Nagmula sa Africa ang mitolohiyang ito, partikular sa pangkat ng Khoi o San. Ayon sa mitolohiya si Kaang ang kataas- taasang diyos ng daigdig. Siya ang lumikha ng daigdig. Nagpapadala rin siya ng kamatayan at kalamidad bilang parusa sa mga taong hindi nananampalataya o sumsamaba sa kaniya. Bagaman siya ay nakatira sa ulap, ang kanyang espiritu ay nananahan sa lahat ng kaniyang nilikha. Ayon pa sa mitolohiya, ang asawa ni Kaang ay nanganak ng usa. Inaruga ni Kaang ang batang usa subalit ito’y hindi sinasadyang napatay ng dalawa pa niyang anak. Ipinag-utos ni Kaang na ang dugo ng usa ay pakuluan. Ang taba na nakuha buhat dito ay ikinalat sa kalupaan at mahimalang naging mga usa at iba pang mga hayop. Dahil dito, nalikha ang mga hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao. b. Mitolohiyang Austrailian – Ayon sa mitolohiyang ito, ang paglikha ay tinatawag na dreaming (panaginip). Sa oras na ito, ang mga diyos ay lumikha ng lupa, tubig, at sinaunang tao at tinruan sila kung paano mamuhay. c. Mitolohiyang Norse – Ang mitolohiyang ito ay nagmula sa Europa. Ayon dito, kumuha ang higanteng si Ymir ng tipak na yelo mula sa kawalan na tinatawag na Ginnungagap. Ang yelong ito ay dinilaan ng kaniyang baka kaya nalikha ang mga unang diyos. Ang mga diyos na ito ang kumitil ng buhay ni Ymir. Hinati nila ang katawan ni Ymir. Hinati nila ang katawan ni Ymir sa serye ng mga mundo na nahahati sa tatlong antas: Asgard, ang mundo ng mga diyos; Midgard, ang mundo ng mga tao, duwende, nuno, at higante; at Niflheim, ang mundo ng mga patay. Isinalaysay pa sa kuwentong ito na ang mga unang tao ay nalikha mula sa abo ng punong elm. Pinagmulan ng mga Hayop at mga Katangian Nito (Origin of Animal Life and Characteristics) Isa sa mga halimbawa nito ay ang mitolohiyan “Ang Labanang ng Dalawang Toro sa Ireland.” Sa mitolohiyang ito, nagkaroon ng labanan ang torong may puting sungay ng Connacht at torong may kayumangging sungay ng Ulster. Sinasabing ipinadala ng mga diyos sa Irelang ang mga toro uoang makapaminsala. Naglaban ang dalawang toro sa lahat ng dako ng Ireland. Sa labanan, nanalo ang torong may kayumangging sungay subalit namatay rin. Ang pagkamatay ng dalawang misteryosong toro ay nagbunsod upang magkaroon ng kapayapaan ang Connacht at Ulster. Binabanggit din sa mga mitolohiya ang mga dragon. Sa mga mitolohiyang Silanganin (Asya), ang mga dragon ay nagbibigay ng magandang kapalaran at suwerte sa buhay. Samantala, sa mga mitolohiyang Kanluranin (Amerika at Europa), ang mga dragon ay nakapamiminsala o naghahasik ng lagim. Pinagmulan ng mga Halaman at mga Katangian Nito (Origin of Plant Life and Characteristics) Isa sa mga halimbawa ng mitolohiyang ito ay ang Bakuba na nagmula sa Timog Africa. Ayon sa mitolohiya, ang lahat ng bagay sa daigdig ay iniliwa ng puting higante na si Mbombo. Mula sa iniluwa niyang tao ay si Woto. Inasawa ni Woto ang kaniyang kapatid na si Labama. Upang umiwas sa kahihiyan ay nagpakalayo-layo sila. Habang nasa disyerto, lumikha si Woto ng tunog gamit ang kaniyang mahiwagang pito. Dahil dito ay nagsipagtubo ang mga kahoy hanggang maging kagubatan. Doo’y nagtayo siya ng kaharian na kung tawagin ay Bakuba. Nagpalit din sila ng wika sa tulong ng hiwagang nasa kanilang dila. Pangkat yey ~all rights reserved 2018 . Gng mationg
Comments
Post a Comment