MITOLOHIYA
ANO ANG MITOLOHIYA ? Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. URI NG MITOLOHIYA. Ang mga Diyos at Diyosa: Kanilang mga Gawain at Pakikipag-uganayan (The Gods: Their Activities and Relationships) Ang mitolihiyang ito ay pumapaksa sa mga diyos at diyosa at ang kanilang kamangha-mangahang kakayahan. Dito ay nakikipag-ugnayan ang mga diyos at diyosa sa tao. May mga pagkakataon pang sila ay nagkakaroon ng anak sa tao. Ang mitolohiyang Griyego at Romano ay nasa uring ito. Sa Pilipinas, may mga mitolohiya rin tayong tungkols sa ugnayan ng diyos at diyosa sa tao at isa sa mga halimbawa nito ay an